Ako..ikaw...sila..tayong mga kabataan,
Saan ba natin ihahatid itong ating kultura?
Sa altar ba ng pag-asa o sa libingan ng kabiguan,
Sa paanan ba ng langit o sa bunganga ng libingan?
Dapat tayong maghilakbot, dapat tayong kilabutan,
Sa lahat ng pangyayaring naganap ng kamatayan,
Kultura'y unti-unting naglaho nang di natin nalalaman..
Ang sariling tatag nating kultura'y sinilangan..
Kilos at damadamin..ang kultura'y buhayin..
Sa dahan-dahang nalalagom ng masakim na pang aagaw !
Nanaisin pa ba natin ang magbalik na mga panahon?
Ng nabaon na sa limot na duguang mga taon?
Noong ating mga ninunot ay may mga pusong mamon,
At wala ng hinangad kundi manahimik at umiwas,
Sa kumpas ng paarala'y nais pa ba natin ngayong
umiwas,magpakalayo at magdaos ng mga panlalait?
pang-aabuso at pang-aagaw sa ating lupang mahal?
Diba't dahas sa dahas ang sumugpong sa ating mga ninuno noon?
Upang ganap na iiwan ang ating lupang kinumkom?
Kabataan...kabataan..ako ngayo'y ngatatanong;
Saan natin ihahatid itong ating henerasyon??
Papayagan kaya natin sa sariling kultura,
Ang sariling tatak nati't kakanyahan ay mawala?
Sa kultura ng dayuhang dito ngayo'y bumabaha,
Sa sariling kalinga'y lulunorin na rin kaya?
Ang malagim na kahapon dugo't luha ang napunla,
Bakit ngayong susupling sa saka tayo nagpabaya?
Ikaw kayay bulag at hindi mo nakikita..
Ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura,
Tribu mo't pinatay sa gutom at dahas ay nag-aalintawa
Lupa niyo'y winawasak sa ibat-ibang mina corporasyon,
Kalikasan niyo'y pinuputol at naging kaawaawa...
Kabataan..kabataan..ako ngayo'y nagtatanong:
Anu ba ang iyong magagawa kalutasan?
Kabataan..kabataan..gumising na!!
Wag kang magpakalulong sa telebisyon at soap opera,
cellphone mo't cameray sa iyo kumakalinga,,
teknolohiya't ekonomiya sa iyo'y nagpapadusa..
Dumilat ka kabataan kultura mo'y nangangailangan..
Tribu mo'y sinasakop, niluluto sa mga banyagang ekonomista't politika..
Ikaw...ako..kayo..sila..dapat tayong lahat mag-iisip..
Ito'y ating kultura'y saan natin ihahatid?
Sa altar ba ng pag-asa o sa libingang sakdal lamig?
Tayong mga kabataan ang pag-asa sa ating kultura,
Sa magulang at ninuno't tayong lahat ang magpapalit.
Ang kultura buhayin at linangin ng mahigpit,,
Upang tayo'y makalaya sa pang-aagaw at discrimination..
Iisang tribu..iisang kultura ang sa ating bumibigkis..
Tayong mga kabataan ang pag-asa ng ating mga Kayamanan.
10 comments:
halow....mztah naman kah oi...? ahMmMm,
yap, tinuod jud ka mae,dapat lang jud nga maging responible ta sa atong tribo..
that was a best dream that mny IP's were dreamt to...
hope that it will come true despite the influx of the civilization that made our lifestyle change...
ang galing mu magcompose ang taas ng grado mu kay maam ,na challenge ko ,iwant to memorize it ,but theres no time ,ang haba kasi sa summer na lang,love as a friend is never fade.
Elowww...mztah na?
Mae pwede nka mhimo ug tour guide...Je!je!Je! joke lang......
Elowwww.....mae mztah na?
Pwede na jud ka mhimo tour guide....je!je!je! joke lang.
tama jud ka mae...kaya, it's a big challenge jud n sa atua karon kung unsay atong buhaton para lig-on natong magunitan ang atong mga pinaka-precious nga nahibiling kultura...
good day!!!!!!! Tama ka Mae, talagang napakaraming tribo dito sa Mindanao. Ngunit kahit sa kabila ng dami ng bilang nating mga katutubo dito sa Mindananao, Bakit di parin masyadong marecognize tayong mga katutubo. Mae tayo ang may malaking responsibilidad, katulong ang ating mga katandaan na tayo'y nakilala at bigyang halaga ng hindi mga katutubo..... Salamat sa pagbabahagi.
Mae ipagpatuloy mo ang pakikialam sa ating mga katutubo.. Mae alam ko malayo ang mararating mo. Mga sa tulong ng ating mga katandaan sa ating iba't-ibang komunidad ay matutupad ang ating mga pangarap na mapanatili ang ating tribo...
Hey watz up!
dats gud bro! that are you able to ask about the current reality and you should keep it up in order to answer your question in life.
Gud lack Bro!!!
Post a Comment