Sunday, January 31, 2010

Mga tunay na katutubo??


Sino-sino nga ba ang mga katutubo sa mindanao? Saan ba natin sila makikita? At paano nga ba sila nabubuhay sa mundong ibabaw?.tungahayan natin nga mga sumusunod..:

Ang tribong Talaandig ay isa sa pitong tribo na matatagpuan sa probinsya ng Bukidnon. May ibat-ibang sayaw sila na kung tawagin sa kanilang lingwahe ay “dugso.”Kabilang sa dugso ang tinatawag nilang “welcome dance”sinasayaw nila ito sa panahon ng pagtitipon.

Matigsalog ay matatagpuan sa tatlong Rihiyon ng Davao,Bukidnon, Cotabato.At mula noon hanggang ngayon sinusunod parin nila ang ibat ibang kkatangian ng kkanilang ninuno ay sumusunod: maunawain, matulongin maawain. May pagka buluntarismo mahilig magtanggap ng bisita, mapagmahal sa kultura , mapagbigay ng bagay sa mga nangangailangan, at iba pa. at higit sa lahat marunong magrespeto sa kanyang kapwa tao..

Mandaya” ay nangangahulugang “the first people in upstream” ,ito ay kinuha sa salitang “man” na ibig sabihin ay “first” at “daya” ibig sabihin ay “upstream” o “upper portion of a river”. Sila ang grupo na matatagpuan sa bulubundukin ng Davao Oriental,pati ang kanilang gawi,salita,at paniniwala. Ang tribung Mandaya ay matatagpuan din sa Compostela at New Bataan sa probinsya ng Compostela Valley at sa ilang bahagi ng Agusan.

Ang mga Mandaya ay ang non-Christian tribe at non-Islamic people na naninirahan sa silangang bahagi ng Pilipinas. Sila ay kadalasang nakikita sa probinsya ng Davao Oriental,Davao del Norte,Davao del Sur,Compostela Valley,Agusan,Surigao,at sa silangang bahagi ng Cotabato. Ang buhay na tribung ito,ay dumaan sa maraming impluwensa mapaneo-political at economic system..

Ang tribung Mamanwa ay makikita sa Agusan del Norte at Surigao del Norte. Sila ay nabubuhay sa pangangasu at pagtatanim ng ibat-ibang panananim na kanilang ikinabubuhay. Ang Mamanwa ay naniniwala na si Magbabaya ang pinakamapangyarihan sa lahat na siyang gumawa sa buong Mundo gayn man ang napapaloob sa boung daigdig at siya rin ang lumilkha ng tao.

Noon ang tribung Mamanwa ay naninawala sa ang buong kalikasan ay napaka sagrado at napakahalaga sa kanilang buhay. Ngunit unti-unti itong nasisira dahil sa ibat-ibang diskriminasyon at mga pang-aagaw ng Lupa sa ibat-ibang dayuhang banyaga. Dahil sa mga pang-aabuso ng mga taong wala pagmamahal sa mga kalikasan unit-inting nawawala ang kultura ng tribung Mamanwa.

Ngayon marami sa mga tribung Mamanwa ay nakatira sa ilalim ng tulay o hindi magandang lugar dahil sa mga pang-aagaw. Dahil sa mga pang-aagaw marami na sa kanila ngayun ang lumalaban at nag-aaral upang mahinto ang mga masakim na diskriminasyon.

Ang tribong Manobo ay matatagpuan sa probinsya ng Agusan del Sur.ang kanilang pamumuhay ay pagtatanim ng iba’t ibang ikabubuhkay katulad ng pagtatanim ng palay.ang Manobo ang pangalan ng kanilang diyos ay Si magbabaya sila ay naniniwala na si magbabaya ayk makapangykarohan.ang tribong Manobo ay hanggang ngayon ay patuloy parin sa pagpraktis ng kanilang kultura.
At ang tribong Teduray ay may dalawang uri ito ay ang Teduray at Lambangian na matatagpuan sa probinsya ng Maguindanao,partikular sa North at South Upi, Datu Odin Sinsuat, Lebak at Kalamansig.Karamihan sa mga Tedurayay nakatira sa mga kabundukan at ang kanilang pamumuhay ay ang pagtatanim ng palay, at mais. at halama. ng ugat.



Ikaw bay isa ring Katutubo??


Saan bang sulok matatagpuan ang iyong Tribu?


Maari mo bang ipagmamalaki ang iyong dugo at lahi??


Hanggang kailan at hangang saan mo ba
masasabi na ikaw ay isang Katutubo tunay?