Sunday, January 31, 2010

Mga tunay na katutubo??


Sino-sino nga ba ang mga katutubo sa mindanao? Saan ba natin sila makikita? At paano nga ba sila nabubuhay sa mundong ibabaw?.tungahayan natin nga mga sumusunod..:

Ang tribong Talaandig ay isa sa pitong tribo na matatagpuan sa probinsya ng Bukidnon. May ibat-ibang sayaw sila na kung tawagin sa kanilang lingwahe ay “dugso.”Kabilang sa dugso ang tinatawag nilang “welcome dance”sinasayaw nila ito sa panahon ng pagtitipon.

Matigsalog ay matatagpuan sa tatlong Rihiyon ng Davao,Bukidnon, Cotabato.At mula noon hanggang ngayon sinusunod parin nila ang ibat ibang kkatangian ng kkanilang ninuno ay sumusunod: maunawain, matulongin maawain. May pagka buluntarismo mahilig magtanggap ng bisita, mapagmahal sa kultura , mapagbigay ng bagay sa mga nangangailangan, at iba pa. at higit sa lahat marunong magrespeto sa kanyang kapwa tao..

Mandaya” ay nangangahulugang “the first people in upstream” ,ito ay kinuha sa salitang “man” na ibig sabihin ay “first” at “daya” ibig sabihin ay “upstream” o “upper portion of a river”. Sila ang grupo na matatagpuan sa bulubundukin ng Davao Oriental,pati ang kanilang gawi,salita,at paniniwala. Ang tribung Mandaya ay matatagpuan din sa Compostela at New Bataan sa probinsya ng Compostela Valley at sa ilang bahagi ng Agusan.

Ang mga Mandaya ay ang non-Christian tribe at non-Islamic people na naninirahan sa silangang bahagi ng Pilipinas. Sila ay kadalasang nakikita sa probinsya ng Davao Oriental,Davao del Norte,Davao del Sur,Compostela Valley,Agusan,Surigao,at sa silangang bahagi ng Cotabato. Ang buhay na tribung ito,ay dumaan sa maraming impluwensa mapaneo-political at economic system..

Ang tribung Mamanwa ay makikita sa Agusan del Norte at Surigao del Norte. Sila ay nabubuhay sa pangangasu at pagtatanim ng ibat-ibang panananim na kanilang ikinabubuhay. Ang Mamanwa ay naniniwala na si Magbabaya ang pinakamapangyarihan sa lahat na siyang gumawa sa buong Mundo gayn man ang napapaloob sa boung daigdig at siya rin ang lumilkha ng tao.

Noon ang tribung Mamanwa ay naninawala sa ang buong kalikasan ay napaka sagrado at napakahalaga sa kanilang buhay. Ngunit unti-unti itong nasisira dahil sa ibat-ibang diskriminasyon at mga pang-aagaw ng Lupa sa ibat-ibang dayuhang banyaga. Dahil sa mga pang-aabuso ng mga taong wala pagmamahal sa mga kalikasan unit-inting nawawala ang kultura ng tribung Mamanwa.

Ngayon marami sa mga tribung Mamanwa ay nakatira sa ilalim ng tulay o hindi magandang lugar dahil sa mga pang-aagaw. Dahil sa mga pang-aagaw marami na sa kanila ngayun ang lumalaban at nag-aaral upang mahinto ang mga masakim na diskriminasyon.

Ang tribong Manobo ay matatagpuan sa probinsya ng Agusan del Sur.ang kanilang pamumuhay ay pagtatanim ng iba’t ibang ikabubuhkay katulad ng pagtatanim ng palay.ang Manobo ang pangalan ng kanilang diyos ay Si magbabaya sila ay naniniwala na si magbabaya ayk makapangykarohan.ang tribong Manobo ay hanggang ngayon ay patuloy parin sa pagpraktis ng kanilang kultura.
At ang tribong Teduray ay may dalawang uri ito ay ang Teduray at Lambangian na matatagpuan sa probinsya ng Maguindanao,partikular sa North at South Upi, Datu Odin Sinsuat, Lebak at Kalamansig.Karamihan sa mga Tedurayay nakatira sa mga kabundukan at ang kanilang pamumuhay ay ang pagtatanim ng palay, at mais. at halama. ng ugat.



Ikaw bay isa ring Katutubo??


Saan bang sulok matatagpuan ang iyong Tribu?


Maari mo bang ipagmamalaki ang iyong dugo at lahi??


Hanggang kailan at hangang saan mo ba
masasabi na ikaw ay isang Katutubo tunay?




Wednesday, January 27, 2010

Sino ba ang mga katutubo sa ating Bansa?













Katutubo ay binubuo ng isang pagbabago at pagkakaiba ng kulturang sector ng Bansang Pilipinas. Napakaraming mga taon ang nakalipas na ang mga Katutubo ay nakaranas ng matinding pag-aabuso,pagsasamantala ng sariling paniniwala at pagkawalang bahala ng Gobyerno sa mga karapatang Katutubo. At silay tinuturing ngayon na ang pinakamahirap na sector sa buong Bansa. Sa kasamaang palad,ang mga katutubo ang pinakaapekatado sa pagtaas at paglala ng kahirapan.Maraming nagsasabi na ang karapatan ng mga Katutubo ay ang sariling pamamahala,sariling pagpapalakas at pagpapalago ng kanilang mga teritoryo,gayon ang karapatan ng kanilang mga kayamanan tulad ng mga likas na yaman, kustumbre,tradisyon, sistemang kaalaman at mga kuturang kasabayan.
Ang mga katutubong grupo ay hindi lamang mayaman sa likas na yaman ngunit may mga kakaibang aking talento,pagmamahal at pagpapahalaga ng kaninalng mga paniniwala,kutura at tradisyon. Ayon sa mga ninung grupo na likas na yaman ay buhay at pag-asa ng kainlang kultura dahil tanging dito lamang umiikot ang kanilang mundo. Silay may kakayahang hindi makikita sa ibang grupong tao ditto sa buong bansa.   Karamihan sa mga katutubo ay nakatira sa kabundukan. Hindi nabibigyan ng pagkakataon na ipaglaban ang kanilang mga karapatan at paniniwala.
Sila ay hindi marunong bumasa at sumulat na naging dahilan upang sila ay abusuhin sila ng mga taga-patag na may pinag-aralan. Kadalasan sila ay naiiwang biktima ng mga makabagong paraan ng teknolohiya na sumisira sa kalikasan.
Kaya sinasabi nila sa kapag nawala ang likas na yaman ay para ding nawala ang pag-asa ng kanilang buhay.
Sa loob ng mahabang panahon ang mga katutubong grupo ay nakakaranas sa masakim na panlalait ng mga dayuhang grupo.
Sa loob ng mahabang panahon ang mga katutubong grupo ay nakakaranas sa masakim na panlalait ng mga dayuhang grupo. Ito’y naging dahilan kung bakit umiiwas ang mga katutubo sa pag-unlad ng mga aspetong ikonomiya at politika.
Diskriminasyon ay isa sa pinakapwersang dahilan sa hindi pagkapantay-pantay ng tao sa buong Mundo. Samantala, itoy nagdudulot ng pinsala na napalooban ng pamilya,komunidad at sa buong grupo ng mga katutubo. Sapagkat,maliban sa madalas na tukoy ng diskriminasyon lalo sa sa mga konektiba ng karapatanng pantao at sosyolohiya na ipinapatupad ng Indigenous People Right Act 1987. bilang pagpapatupad ng mga tungkulin ng karapatan na inihahayag.
Ang susi nito ay kilalanin ang tradisyon.klase ng pagtatanggi,masamang pinsala, rason ng ekonomiya at klaseng edukasyon ay pinagmulan ng mga panlalait ng trabo,pamumuhay at personalidad ng mga katutubo. Ayon sa mga ninuno ang diskriminasyon ay ang punot dulo ng kahirapan ng mga Lumad.
Kapatunayan ang mga panlalait ay karahasan ng pang-aagaw ng lupa at hindi pagkapantay pantay na pagkilala sa uri ng kanilang pagkatao. Samantala, ang resulta nito ay ang pagmamalagi sa kakulangan ng kaalaman,mga masamang pinsala ay pangunahing epekto sa mga katutubo habang kasama ang pagbaba ng kakayahan sa pangunahing epekto sa mga katutubo habang kasama ang pagbaba ng kakayahan sa sarili,marginalisasyon at pag-uudyok ng mga katutubong
Filipino.
Samantala, ang resulta nito ay ang pagmamalagi sa kakulangan ng kaalaman,mga masamang pinsala ay pangunahing epekto sa mga katutubo habang patuloy ang pagbaba ng kakayahan sa sarili. Ngunit sa kabila nito ang mga matatandang katutubo ay palagian nagapapahayag ng kanilang damdamin, para sa edukasyon di lamang para sa kanilang mga anak bata kundi para din sa kanilang pamayanan bilang kabuuan .

Tuesday, January 26, 2010

the dreams of the IP Youth's
















































This is our dream
All together let us be
the light,that always shine
So the Whole world can see
This our dream

We hope to see
A world that respect who we are
That knows and sees our culture
as a glimpse into our heart

We hope to see
Peace and justice all over the land
And may the earth and source of life
Prosper in our hands

We hope to see
The dreams of our elder came true
A new day for our nation
lets continue to see its through

This is our dream
All together let us be
The light that always shine
So the whole world can see
This is our dreams..


This is our way
Islands apart but now we come together
As we are all aware of all of the things we share

Same hope, same dreams,
Same expectations, same pain,
Same fear, same frustrations
More alike that we different
This our message to all

And now
We will be seen, we will be heard
Our hearts and our voices are one as we sing,
One as we share what lies within
This is our way for peace to begin

Islands apart,
But now we bridge the distance
We’ve found our way this time
To listen and speak our mind

Same hope, same dreams,
Same expectations, same pain,
Same fear, same frustrations
More alike that we different
This our message to all


And now
We will be seen, we will be heard
Our hearts and our voices are one as we sing,
One as we share what lies within
This is our way for peace to begin



Monday, January 25, 2010

Ako'y Nagtatanong

Ako..ikaw...sila..tayong mga kabataan,
Saan ba natin ihahatid itong ating kultura?
Sa altar ba ng pag-asa o sa libingan ng kabiguan,
Sa paanan ba ng langit o sa bunganga ng libingan?
Dapat tayong maghilakbot, dapat tayong kilabutan,
Sa lahat ng pangyayaring naganap ng kamatayan,
Kultura'y unti-unting naglaho nang di natin nalalaman..
Ang sariling tatag nating kultura'y sinilangan..
Kilos at damadamin..ang kultura'y buhayin..
Sa dahan-dahang nalalagom ng masakim na pang aagaw !
Nanaisin pa ba natin ang magbalik na mga panahon?
Ng nabaon na sa limot na duguang mga taon?
Noong ating mga ninunot ay may mga pusong mamon,
At wala ng hinangad kundi manahimik at umiwas,
Sa kumpas ng paarala'y nais pa ba natin ngayong
umiwas,magpakalayo at magdaos ng mga panlalait?
pang-aabuso at pang-aagaw sa ating lupang mahal?
Diba't dahas sa dahas ang sumugpong sa ating mga ninuno noon?
Upang ganap na iiwan ang ating lupang kinumkom?
Kabataan...kabataan..ako ngayo'y ngatatanong;
Saan natin ihahatid itong ating henerasyon??
Papayagan kaya natin sa sariling kultura,
Ang sariling tatak nati't kakanyahan ay mawala?
Sa kultura ng dayuhang dito ngayo'y bumabaha,
Sa sariling kalinga'y lulunorin na rin kaya?
Ang malagim na kahapon dugo't luha ang napunla,
Bakit ngayong susupling sa saka tayo nagpabaya?
Ikaw kayay bulag at hindi mo nakikita..
Ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura,
Tribu mo't pinatay sa gutom at dahas ay nag-aalintawa
Lupa niyo'y winawasak sa ibat-ibang mina corporasyon,
Kalikasan niyo'y pinuputol at naging kaawaawa...
Kabataan..kabataan..ako ngayo'y nagtatanong:
Anu ba ang iyong magagawa kalutasan?
Kabataan..kabataan..gumising na!!
Wag kang magpakalulong sa telebisyon at soap opera,
cellphone mo't cameray sa iyo kumakalinga,,
teknolohiya't ekonomiya sa iyo'y nagpapadusa..
Dumilat ka kabataan kultura mo'y nangangailangan..
Tribu mo'y sinasakop, niluluto sa mga banyagang ekonomista't politika..
Ikaw...ako..kayo..sila..dapat tayong lahat mag-iisip..
Ito'y ating kultura'y saan natin ihahatid?
Sa altar ba ng pag-asa o sa libingang sakdal lamig?
Tayong mga kabataan ang pag-asa sa ating kultura,
Sa magulang at ninuno't tayong lahat ang magpapalit.
Ang kultura buhayin at linangin ng mahigpit,,
Upang tayo'y makalaya sa pang-aagaw at discrimination..
Iisang tribu..iisang kultura ang sa ating bumibigkis..
Tayong mga kabataan ang pag-asa ng ating mga Kayamanan.

Sunday, January 24, 2010

Hamon para sa mga katutubong Grupo?



























     Saan na ba ang mga Katutubo ngayon? Karamihan sa mga katutubo ay nakaranas ng malupit at marahas na kahirapan dahil sa development agression na pumapasok sa mga teritoryo nga mga katutubo. Ang paglapastastangan ng kalikasan sanhi ng eresponsableng pagmimina at ilegal na pamumutol ng kahoy ang nagdala sa malaking pagkasira sa kultura,buhay at tradisyon ng mga katutubo . Sapagkat dahil dito unti-unting nasisira ang kanilang mga likas na yaman na nagbibgay lakas ng kanilang buhay. Ngunit dahil sa mga taong walang awang sumisira ng kanilang kayamanan o likas na yaman silay naging pangunahing grupo na nakatala na pinakamahirap na sector. Kahit ang mga katutubo ang tinaguriang pinakamayanan sa mga likas na yaman at kultura't tradisyon silay naging kaawaawa. Kung nuon ang mga katutubo ang nagmamay-ari at nangangalaga ng mga kalikasan ngayon saan na ba natin sila makikita? Paano ba natin masasabi na nagkaroon ng respeto ang mga Katutubo?. Kailan ba natin masasabi na silay nakakaranas ng sinasabi natin na karapatang pantao na gayon silay ay nakakaranas ng ibat-ibang talamak na pagyurak sa sarili nilang kultura? Masisi ba natin ang mga katutubo kung silay walang respeto at walang pagpapahalaga ng ating panggobyerno ngayon? Ang illegal logging ay naging dahilan kung bakit marami sa mga katutubo ang napaalis ng kanilang sariling lupa.Dahil sa developement agression tulad ng illigal logging naging malupit at mahirap ang buhay ng mga katutubo. Dahil dito marami sa kanila ang ating makikita sa mga hindi magagandang lugar dahil sa resulta ng illegal logging.At unti-unti naring nawawala ang kultura at paniniwala nila na nuon itoy napkasagrado sa mga katutubo. Dahil sa hindi pagrespeto at walang pagpapahalaga ng ating panggobyerno ngayon at dahil din sa mga makasariling tao naging komplikado ang buhay ng mga katutubo sa ating bansa. Ngayon nasaan na ba ang karapatang pantao? Masasabi ba natin na ang development agression ay nakapagbibigay kaunlaran ng ating bansa na gayon maraming buhay ang nasisira? Ang develpoment agression ay para lamang sa mga makasariling tao na hindi iniisip ang epekto nito sa ibang tao. Tanging ilan lamang tao ang nakapag binipisyo ngunit marami ang naaapektohan. Paano natin masasabi na ang development agression ay makatulong sa kaunlaran ng ating bansa? Sana naman bigyan nating ng kahalagahan ang buhay ng mga Katutubong grupo upang sa gayon mapaunlad nila ang kanilang kultura at hindi tuluyang mawawala ang kanilang mga paniniwala na sa likas yaman lamang ito makikita at maisasagawa. Samantala ang kolonisasyon at ang malakasa na impluwensya ng modernisasyon ang pangunahing dahilan sa unti-unting mabalewa ang mayamang tradisyon at kultura.



ANG LUPANG SIRA-SIRA

Ang ganitong mga pangyayari ay sadiyang napakalubha na kung saan ang mga tao ay nawawalan ng tirahan, lupain na pinagtataniman at higit sa lahat yong mga lupain na minana nila sa kanilang mga ninuno. Bukod pa rito, tanging mga mahihirap lamang ang natatamaan sapagkat sila ay walang magagawa kapag sila ay nag-rereklamo o sabihin nalang natin na kapag sasabihin nila at ipinapaabot ang kanilang mga hinaing sa gobyerno.. Para sa karagdagan, kung natatamaan ang mga mahihirap, mga mayayaman naman ang nakikinabang atpatuloy pa rin silang yumaman.





Sa mga nangyayari sa kasalukuyan ano ba ang naghihintay na kinabukasan sa ating mga kapatid na nasira ang buhay dahil sa pagguho ng ating inang kalikasan. sana ang pangyayaring ito ay syang magpapamulat sa ating mga pusot isipan na kailangan nating ingatan at pangalagaan ang ating kalikasan. hindi malayong makabangon pa ang ang mga kapatid nating naapektuhan kung tayoy magtulongan sa pag ayos atpangangalaga sa ating nasirang kalikasan.tama na ang pagsasamantala dahil sa bandang huli tayo din ang kawawa. Hindi natin maitatanggi ang katotohanan na dahil sa indstriya umunlad ang iba nating mga kababayan. ngunit kaakibat din nito ay ang kahirapan sa mga taong sa industriya nasasagasaan. halimbawa na lamang sa ating mga kababayan na nawalan ng tirahan. sa mga nangyayaring sakuna ngayon ngayon malaki din ang naiambag ng industriyalisasyon sapagkat saklaw nito ang ibat ibang uri ng mga negosyo o mga pagawaan na syang malaking dahilan ng pagguho ng ating kalikasan.kaya sana mamulat na tayo sa katotohanan at huwag tayong tumutok lamang sa kaunlaran kundi alalahanin din natin ang kapakanan ng bawat mamayan.